| Contact Us

Opisyal na pahayag tungkol sa kalusugan ni Gov. Daniel Fernando

Mon Lazaro September 13, 2023 at 05:58 AM

Narito ang opisyal na pahayag ng Damayang Filipino Movement Inc. tungkol sa nangyari at kasalukuyang kalagayan ni Governor Daniel Fernando:

Noong Lunes, Setyembre 11, 2023 ng gabi matapos mag opisina (People’s Day) ng Gob. Daniel R. Fernando at sya ring founder ng DFMI ay pumunta sya sa isang event sa Bulacan Capitol Gymnasium at doon ay may kakaibang naramdaman. Daglian naman itong nilapitan ng Bise Gob. Alex C. Castro upang mabigyan ng pang unang lunas.

Sa ngayon sya po ay kasalukuyang nagpapahinga at maganda na ang kalagayan sa tulong ng ating Panginoon. Ayon po sa kanyang mga doktor ay nasobrahan lamang po sa pagod at dehydrated ang ating The People’s Governor.

Hindi nya po alintana ang pagod at puyat upang mabigyan ng tulong ang mga kababayan nating nasalanta ng nakaraang malawakang pagbaha sa lalawigan ng Bulacan at sinisikap pa rin nya po na mabigyang pansin ang mga pangangailangan ng taong bayan tuwing People’s Day.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagdadasal, nangangamusta at nagmamahal kay Gob. Daniel R. Fernando. Mahal nya rin po kayo.

Photo: Screengrab from FB

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last