P1M halaga ng marijuana nakumpiska sa Malolos, 3 arestado
Mon Lazaro June 10, 2023 at 10:03 PMCAMP ALEJO SANTOS, Bulacan– Mahigit sa isang milyon pisong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska at tatlong tao ang naaresto sa lungsod na ito nitong araw ng Sabado.
Sa ulat ni Malolos police chief Lt. Col. Andrei Anthony Manglo kay Col. Relly Arnedo, Bulacan police director, isinagawa ang buy-bust illegal drug operation sa Barangay Sumapang Matanda sa nasabing lungsod bandang 10:00 ng umaga.
Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ni Capt. Jereland Salinas na nagresulta sa pagkakahuli kina Maribeth Legaspi Melendez; Raffy Reyes Magpali Jr.; at Arwin Jae Rosero Meneses.
Nakumpiska sa kanila ang siyam na kilo ng pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,080,000, isang kulay gray Mitsubishi Montero na may plakang CBD5503, at ang buy-bust money.
Ang mga naaresto ay nasa kustodiya ng Malolos City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa mga probisyon ng RA 9165 na isasampa sa City Prosecutor’s Office sa Lungsod ng Malolos.
Photo: Bulacan Police Provincial Police Office