| Contact Us

P35M halaga ng spoiled meat products nadiskubre sa Lungsod ng Meycauayan

Mon Lazaro July 12, 2023 at 08:01 PM

Nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) ang P35 milyon na halaga ng assorted spoiled meat products sa isang warehouse sa Lungsod ng Meycauayan nitong Martes, Hulyo 11.

Ayon sa BOC, isang composite team na pinangunahan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), ang nakadiskubre ng dalawang improvised cold storage facilities ng spoiled meat products sa loob ng Meycauayan Industrial Subdivision, Barangay Pantoc, sa Lungsod ng Meycauayan.

Sa isinagawang inspection, nalaman na ang mga nasabing produkto ay mukhang sira o panis na at may kakaibang amoy na nagmumula sa mga ito.

Sa detalyeng ibinigay ni CIIS Director Verne Enciso, sinabi niya na, “Since the owners or building administrator were not present during the service and implementation of the Letter of Authority (LOA), raiding team proceeded to the subdivision’s homeowners’ association (HOA) to effect the substituted service thereof.”

Ang nasabing LOA ay ibinigay sa administrative staff ng HOA kaharap ang dalawang barangay officials para sa may-ari/operator ng nasabing warehouse.

Sinabi naman ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy, na nakasama sa nasabing operasyon ang mga kinatawan ng Department of Agriculture’s Inspectorate and Enforcement (DAIE) at ng National Meat Inspection Service (NMIS).

“The DAIE and the NMIS also did initial evaluation of the meat products and based on the physical appearance and foul odor thereof, the said meat products are determined to be unfit for human consumption,” ayon kay Uy.

Ayon naman Kay Commissioner Bienvenido Rubio, “Generally, we don’t see the amount of work that goes into every inspection and operation. This is a testament to the hard work of our agents, and it was entirely made possible by the coordination of our officers with the DA and down to the barangay.”

Photo: Bureau of Customs

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last