Paraan ng online appointment para sa Calumpit District Hospital
Mon Lazaro June 4, 2023 at 02:36 PMLUNSOD NG MALOLOS – Naglabas ng pabatid ang Calumpit District Hospital para sa mga nais magpagamot at gustong magkaroon ng online appointment sa pampublikong pagamutan. Narito ang tamang pamamaraan:
Una – Maaaring magpadala ng mensahe sa link na ito- https://www.facebook.com/calumpitdistricthosp/. Pwede ring magpadala ng mensahe at tumawag sa numerong 0908-434-7544 mula Lunes hangang Biyernes, 8:00 ng umaga hangang 5:00 ng hapon, maliban kung holiday.
Ikalawa – Maghintay lamang ng sagot mula sa pagamutan at sagutan ang mga katanungan.
Ikatlo – Maghintay ng kumpirmasyon para sa petsa at oras ng inyong konsultasyon sa pagamutan.
Ikaapat – Magpunta sa itinakdang petsa at oras sa inyong appointment sa ospital.
Ang mga pamamaraan na ito ay isinapubliko sa pamamagitan ng Provincial Public Affairs Office ng Bulacan.
Photo: Calumpit District Hospital FB