| Contact Us

PNP-PDEA nakahuli ng mahigit isandaang milyong pisong halaga ng shabu. Dalawang suspek nasawi sa shootout.

Arkipelago News May 2, 2021 at 01:52 PM

Patay ang dalawang suspek sa operasyon ng magkatulong na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lalawigan ng Rizal.

Kinilala ang suspek na si alyas Alvin na nag-ooperate diumano sa Region 4A, Metro Manila at iba pang kalapit na rehiyon. Kasabwat din diumano siya ng isang sindikato ng droga na konektado sa isang Chinese national na nakabase raw sa Hongkong. Doon daw nagmumula ang utos kung kailan at kung kanino ididistribute ang iligal na droga. Kasama diumano ni alyas Alvin ang isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Nakuha diumano sa kanila ang 15 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga umano ng 102 milyong piso.

Ayon sa report ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), noong April 27, 11:55 pm, nagsagawa ng isang buy-bust operation ang mga team mula sa PDEG, PDEA 4A, Rizal Provincial Police, Taytay Municipal Police at Bureau of Customs sa Highway 2000, Barangay Sta. Ana Extension, Taytay, Rizal.

Ayon sa pulisya, humantong umano sa madugong engkwentro ang kanilang operasyon na ikinasawi ng dalawang suspek.

Bukod daw sa droga, narecover diumano mula sa mga suspek ang “two fully-loaded 9mm pistols” at isang kotseng Cefiro Sedan na may plakang WPT 539.

Photos courtesy of PNP-PIO

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last