Presyo ng gasolina sa Malolos, tumaas ng ₱5–₱8 kada litro
Angelo Calixtro March 18, 2026 at 11:56 PM
MALOLOS, BULACAN — Nagpatupad ng panibagong oil price hike ang ilang gasoline stations sa Malolos ngayong Marso 18, kung saan umabot sa ₱5 hanggang ₱8 ang itinaas sa presyo ng gasolina.
Dulot ang pagtaas ng presyo ng nagpapatuloy na tensyon at kaguluhan sa Middle East na nakaapekto sa suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.
Sa kasalukuyan, nasa mahigit ₱96 hanggang ₱110 kada litro ang presyo ng gasolina sa ilang istasyon sa lungsod.
Inaasahan naman na patuloy na babantayan ng mga motorista ang galaw ng presyo ng langis sa mga susunod na linggo, kasabay ng panawagan ng pamahalaan sa publiko na magtipid sa konsumo ng gasolina.
📷 Konsehal Ega Domingo III FB