| Contact Us

Presyo ng palay nagsimula muling tumaas

Mon Lazaro August 28, 2023 at 09:53 AM

INTERCITY INDUSTRIAL ESTATE, Balagtas, Bulacan — Nagsimula na namang tumaas ang presyo ng palay na posibleng magpataas sa presyo ng bigas.

Ayon kay Jun Cid, isang palay classifier sa industrial city na ito, pangkaraniwang tumaas sa halagang piso kada kilo ang presyo ng palay ngayon.

Aniya ang presyo ng palay noong nakaraang linggo ay pangkaraniwang nagkakahalaga ng mula sa P32 hanggang P32.50 kada kilo ngunit ngayon ay nasa P33 hanggang P33.30 na kada kilo.

Sinabi pa niya na, “Kasi manipis pa ang laman ng mga bodega ng mga palay traders sa ibang probinsiya tulad ng Isabela at Nueva Ecija dahil mangilan-ngilan pa lamang ang umaaning magsasaka ngayon.”

Dahil kokonti pa lamang ang laman ng mga bodega ng palay traders, tumataas tuloy ang presyo ng kanilang kalakal.

Sa pagtaas ng presyo ng palay nakaamba rin aniya ang pagtaas ng presyo ng bigas.

Samantala, ipinaabot naman ng isang rice importer na ayaw magpakilala, na marami sa kanilang hanay ang nagpahinga muna sa pag- import dahil hindi pa malinaw ang direksyon na gusto ng gobyerno tungkol sa sektor ng bigas.

Pinuna pa niya na sa ibang bansa ay naghahanda na sa magiging epekto ng El Niño sa pamamagitan ng pagbili at pag-imbak ng bigas pero bawal ito Pilipinas dahil maituturing itong hoarding.

Photo: Mon Lazaro

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last