Programang birth certificate para sa bawat San Joseño inilunsad ni Cong. Rida
Mon Lazaro February 19, 2024 at 05:31 PM
📷: Rep. Florida Robes FB
LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Inilunsad nitong nakaraang araw ng Huwebes ang programang ”Birth Certificate mo, kay Ate Rida Sigurado” sa
covered court ng Barangay Area F sa lungsod na ito
Ang programang ito ni Congresswoman Florida Robes ng Lone District ng San Jose del Monte ay maghahatid ng serbisyo upang maiproseso ng libre ang mga wala pang birth certificate, late registered o hindi pa nakarehistro sa Lungsod ng San Jose del Monte.

Ang birth certificate ay isang napakahalagang dokumento para sa bawat mamamayan dahil ito ang magpapatunay ng ating pagkakakilanlan o pagkatao sa lipunan.
Ang programang ito ay maghahatid ng serbisyo upang maiproseso ng libre ang mga wala pang birth certificate, late registered o hindi pa nakarehistro na mga mamamayan sa Civil Registry Office.
Katuwang ni Ate Rida sa programang ito ang kanyang asawang si Mayor Arthur Robes at ang Civil Registry, para mabilis na maisagawa ang mga request ng mga nagnanais na maproseso ang kanilang birth certificate.