Project Dobleng Pinaglaanan, isinulong para sa mga kabataan ng San Ildefonso
Angelo Calixtro March 24, 2026 at 03:11 PM
SAN ILDEFONSO, Bulacan — Matagumpay na naisagawa noong Marso 12, 2026 ang Project Dobleng Pinaglaanan, isang programang pangkalusugan na nakatuon sa pagpapabuti ng nutrisyon ng mga kabataan sa bayan.
Pinangunahan ang inisyatiba ni Mayor Gazo Galvez, katuwang ang Office of the Municipal Nutrition Action Officer sa ilalim ng pamumuno ni Eunice Vanguardia.
Layunin ng programa na maghatid ng “dobleng pagmamahal at dobleng pangangalaga” sa kalusugan ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop at masustansyang pagkain.
Sa temang “Pinggang Naglalaman ng Angkop na Nutrisyon sa Hapagkainan,” binigyang-diin nito ang kahalagahan ng wastong nutrisyon bilang pundasyon ng masigla at maunlad na kinabukasan ng kabataan.
Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa lahat ng mga kawani at katuwang na nagbigay-suporta upang maging matagumpay ang programa.
Tiniyak din nila ang patuloy na paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan at nutrisyon para sa kapakanan ng mga kabataan sa San Ildefonso.
📷 Mayor Gazo Galvez