Rice caravan sa Bocaue nagbenta ng P38/kilo ng bigas
Mon Lazaro July 18, 2023 at 02:27 PMBOCAUE, Bulacan — Nagbenta ng P38/kilo ng bigas sa isang rice caravan sa Barangay Lolomboy itong araw ng Sabado
Ang rice caravan ay isinagawa sa pamamagitan ng mga rice millers ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM), Intercity Industrial Estate at Golden City Business Park.
Pwedeng makabili ng P38/kilo ng bigas na hanggang tig-limang kilo ang bawat may bahay para marami ang makapamili ng murang bigas.
Nasa 100 kaban ang inilaan sa naturang caravan na tinatayang nasa 1,000 kabahayan ang mabibiyayaan ng murang bigas.
Ayon kay Malou Tolentino, coordinator ng naturang caravan, ito ay inisyatibo ng mga rice millers mula Intercity at Golden City na may temang “Tulong sa Bayan Bigas para sa Mamamayan”.
Aniya, pangkaraniwan na Ang mga commercial na bigas ay nabibili sa mga palengke sa halagang P42 hanggang P46 kada kilo.
Sinabi pa nito na target nila na makapagbenta ng murang bigas hanggang sa katapusan ng buwan ng Agosto kung kailan matatapos ang panahon ng lean months.
Ayon pa kay Tolentino na may Plano Sila na ibaba ang naturang programa sa ibat-ibang barangay sa Bulacan para marami ang pamilya na matulungan.
Bukod sa nasabing caravan ay mabibili din ang P38/kilo ng bigas sa mismong Intercity at Golden City sa Bocaue.