“SALAMAT AT PAALAM, Luksang Parangal para sa mga Bayaning Tagapagligtas”
Kate Papina September 30, 2022 at 08:05 PM
Isinagawa ang Luksang Parangal sa mga bayaning Bulacan Rescuer na nasawi sa kasagsagan ng bagyong Karding, ngayong araw ng Biyernes, September 30, sa Bulacan Capitol Gymnasium.
Dinaluhan ito ng mga pamilya ng mga namayapa, mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna nina Gob. Daniel Fernando at Bise Gob. Alex Castro.
Nakiramay rin ang ilan sa mga rescuer mula sa iba’t ibang probinsiya at munisipalidad, at mga opisyal ng- Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of Civil Defense at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Muling pinasalamatan ni Governor Fernando ang kabayanihan ng mga tinaguriang “fallen heroes”. Nagbigay rin siya, at iba pang opisyal, ng tulong sa mga pamilya ng mga nasawi. Nagbahagi rin ng mensahe ng pasasalamat sa mga yumao ang kani-kanilang pamilya.