Sen. Bong Go pinasinayaan ang kauna- unahang super health center sa Bulacan
Mon Lazaro June 9, 2023 at 05:25 PMPinasinayaan ni Sen. Bong Go ang kauna-unahang building, sa labinlimang (15) super health centers, sa lalawigan ng Bulacan na matatagpuan sa Lungsod ng Meycauayan nitong araw ng Biyernes, Hunyo 9.
Sinamahan sa nasabing okasyon ang senador ng mga opisyales ng Meycauayan sa pangunguna ni Mayor Henry Villarica.
Ang nasabing super health center ay matatagpuan sa Barangay Camalig na katabi ng dating city hall ng lungsod.
Ayon kay Go, ang mga serbisyong ibibigay ng nasabing super health center ay kinabibilangan ng database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, at ambulatory surgical unit.
Ang iba pang serbisyo doon ay ang eye, ear, nose, and throat (EENT) service; oncology centers; physical therapy and rehabilitation center; at telemedicine kung saan maisasagawa ang remote diagnosis at treatment ng mga pasyente.
“Eventually, maaari ding magkaroon ng dialysis center dito o makipag-tie up sila sa ibang dialysis center,” dagdag pa ni Go.
Ang iba pang mga aprubadong super health centers noong 2022 ay yaong nasa mga bayan ng Guiguinto, Balagtas, Bulakan, Pandi, San Miguel at sa Lungsod ng San Jose del Monte.
Sa kasalukuyang taon, ang aprubadong super health centers ay yaong nasa mga bayan ng Angat, Marilao, Obando, Paombong, Plaridel, San Ildefonso, San Rafael at Lungsod ng Baliwag.
Photo: Mon Lazaro