Senadora Marcos nagkaloob ng tig P5M para sa 3 kadiwa centers sa Bulacan
Mon Lazaro June 23, 2023 at 10:41 PMNaglaan ng tig-P5 milyon si Sen. Imee Marcos para sa pagpapatayo ng mga Kadiwa Centers sa mga bayan ng Calumpit, Guiguinto at Bulakan sa lalawigan ng Bulacan nitong araw ng Huwebes.
Ang pagkaloob ng senadora ng pondo para sa mga Kadiwa Centers ay katuwang sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mapababa ang inflation rate sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tiyak na suplay at abot-kayang sariwang pagkain.
Pinangunahan rin ng senadora ang pagbibigay ng Assistance to Individuals in Crisis Situations ng DSWD sa mga benipisyaro sa mga nasabing bayan
Ang Kadiwa ay isang mekanismo na pinasimulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., para direktang makapagbenta ang mga magsasaka at mangingisda ng walang middleman at diretso na sa mga mamimili ang kanilang mga produkto.
Pinangunahan naman nina Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., regional police director ng Gitnang Luzon at Col. Relly Arnedo, police director ng Bulacan, ang safety and security operations para sa pagdalaw ng senadora sa tatlong bayan ng Bulacan.
Photo: Shane Frias Velasco