| Contact Us

State of Calamity idineklara sa Bulacan

Mon Lazaro August 1, 2023 at 03:46 PM

LUNGSOD NG MALOLOS — Isinailalim na sa State Calamity ang buong lalawigan ng Bulacan matapos na aprubahan ni Bulacan Gov. Daniel Fernando ang Panlalawigang Kapasiyahan Blg. 579-T’2023 nitong araw ng Lunes.

Base sa inilabas na pahayag ng Provincial Public Affairs Office ng Bulacan nitong Martes ng hapon, ayon sa gobernador kailangan na sumailalim sa State of Calamity ang lalawigan dahil sa mga pinsalang naidulot ng pagbaha partikular sa sektor ng agrikultura, paghahayupan at imprastraktura sa lalawigan.

“Kailangang kailangan iyan dahil unang una ang ating agricultural damages is almost P80 million, ‘yung livestock and hogs natin ay halos P3 million. Wala pa po diyan ang infra,” naging pahayag pa ng gobernador.

Base sa resolusyon ng Sanguniang Panlalawigan, ang kalidad na dulot ng pagbaha ay nakaapekto sa 171 Barangay ng lalawigan.

Samantala, iniulat naman ng Provincial Social Welfare and Development Office na ang kalamidad ay nakaapekto sa 21,367 indibidwal o 5,631 pamilya na inilikas sa ibat-ibang evacuation center sa lalawigan.

Samantala, nanawagan naman si Fernando sa mga miyembro ng House of Representatives, “to prioritize the urgent and comprehensive solution to the decade-old problem of flooding in the province” sa ginanap na Technical Working Group Meeting ng House Committee on Public Works and Highways nitong nakaraang araw ng Lunes.

“Kailangan ito ay mapag-aralan natin at mabigyan ito ng solusyon sa pamamagitan ng isang matindi at maayos na master plan. Sana ay masuportahan ang aming lalawigan regarding sa mga nangyayaring pagbaha po sa amin. Hindi po namin ito kakayanin kung kami lang,” dagdag pa ng gobernador.

Photo: Gov. Daniel Fernando FB

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last