Sunog sa Barangay San Antonio, San Pedro, Laguna, umabot sa ikaapat na alarma
Jessa Fajardo July 1, 2021 at 07:43 AMSumiklab ang isang sunog sa warehouse ng Ken Ken Home Essential noong June 28. Isa itong establisyemento na nagtitinda ng mga kasangkapan sa bahay. Ayon sa Bureau of Fire Protection, marami raw nakaimbak na kahoy o light material sa lugar. Ang mga ito raw ang naging sanhi ng sunog.
Matatagpuan ang nasabing warehouse sa kanto ng United San Pedro Subdivision sa Barangay San Antonio. Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, apat na commercial establishment pa raw ang nadamay sa sunog. Lahat daw ng mga ito ay pagawaan ng mga gamit sa bahay na yari sa kahoy. Hindi raw naging madali para sa mga bumbero ang pag-apula sa sunog.
“Naging mahirap dahil puro light material ang mga nasunog. Kaya umabot ito sa ikaapat na alarma,” paliwanag ni Christian Deunida, fire and rescue volunteer ng Gamban Pumper.
May ilang nasugatan sa naturang insidente pero hindi raw malala ang kanilang kondisyon. Wala namang naiulat na namatay.
Photo courtesy of Gamban Pumper