| Contact Us

Tubig sa Angat Dam bumabaw pa rin kahit may pag-ulan

Mon Lazaro July 13, 2023 at 09:58 PM

Patuloy pa rin ang pagbaba ng elebasyon ng tubig sa Angat Dam kahit may mga pag-ulan na dulot ng low pressure area at southwest monsoon.

Base sa talaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bulacan ang water elevation ng Angat Dam nitong 5:00 pm ng Huwebes ay nasa 177.99 metro kumpara sa 178.08 metro noong 5:00 pm ng araw ng Miyerkules.

Ito ay 2.01 metro na mababa sa 180 metro na minimum operating level ng dam at 34.01 metro na mababa sa normal high water level ng Angat Dam.

Dahil dito, nangangamba ang mga magsasaka sa Bulacan at ilang parte ng Pampanga na tuluyang matigil ang alokasyon ng tubig irigasyon na galing sa Angat Dam kapag nagpatuloy sa pagbaba ang water level nito.

Ang National Water Resources Board ay inaprubahan ang irrigation allocation ng Angat Dam hanggang sa katapusan ng kasalukuyang buwan ng Hulyo at ito ay isasailalim sa review base sa “development of the water level of the dam.”

Pero kapag umabot na sa 180 metro ang water level ng dam ay pangkaraniwan na pinuputol na ang alokasyon nito para sa irigasyon at inilalaan na lamang ang tubig nito para magamit ng mga residente ng Kalakhang Maynila.

Photo: Mon Lazaro

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last