Unang SNEd building sa ikatlong distrito ng Bulacan, pinasinayaan sa San Rafael
Angelo Calixtro April 2, 2026 at 08:04 PM
SAN RAFAEL, Bulacan — Pormal nang pinasinayaan noong Marso 26 ang kauna-unahang Special Needs Education (SNEd) Building sa Ikatlong Distrito ng Bulacan, na matatagpuan sa Carlos F. Gonzales High School.
Ang naturang proyekto ay bunga ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at Cong. Cholo I. Violago, alkalde ng San Rafael, Bulacan
Ayon sa mga opisyal, layunin ng gusali na magbigay ng mas angkop at inklusibong kapaligiran para sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan.
Dumalo rin sa inagurasyon ang iba pang opisyal at kawani ng pamahalaang bayan na nagbigay-suporta sa proyekto, na itinuturing na mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng inclusive education sa lalawigan.
Ayon sa pamahalaang lokal, magsisilbing modelo ang bagong pasilidad upang makapagtayo pa ng katulad na mga SNEd building sa iba pang paaralan sa distrito.
Layunin nitong matiyak na mabibigyan ng sapat na suporta at oportunidad ang bawat batang may espesyal na pangangailangan.
📷 San Rafael Bulacan FB