61 lugar sa Quezon City, isinailalim sa special concern lockdown
Patrick Aurelio August 19, 2021 at 10:14 AMDahil sa pagsipa ng COVID-19 cases sa Quezon City ay isinailalim ang 61 na lugar sa special concern lockdown o SCL ng labing apat na araw.
Sa ilalim ng SCL, naka-quaratine ang mga partikular na lugar at hindi ang buong barangay. Mahigpit na ipinatutupad sa SCL ang hindi paglabas sa kani-kanilang mga kabahayan.
Narito ang 61 lugar na isinailalim sa special concern lockdown
Tiniyak naman ng lokal na pamahalan ang pamimigay ng mga food pack, essential kit at isasailalim sa swabbing test ang mga apektadong pamilya habang ipinatutupad ang SCL.
Sa Barangay Gulod, nasa 133 ang aktibong kaso ng COVID-19 habang 13 ang namatay at 1,491 ang gumaling as huling datos nitong August 17, 2021.
Pakiusap naman ng Barangay Health Emrgency Response Teams o BHERT na sumunod pa rin sa quarantine protocols na ipinatutupad ng barangay para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Sa huling datos ng pamahalaang lungsod nitong August 17, 2021 ng 8:00 a.m., nasa 7,569 ang aktibong kaso ng COVID-19 habang nasa 108,636 ang gumaling at 1,271 ang nasawi.
Patuloy naman ang panawagan ng Quezon City LGU sa kanilang mga residente na magpatala sa QC Vax Easy website para magpabakuna.
Umabot na sa 2,005,376 doses ang mga nabakunahan na ng pamahalaang lungsod sa huling bilang nitong August 16, 2021.
Photo courtesy of Quezon City Public Information Office Fb Page