‘Project Binhi food security & cash for work scheme’ inilunsad ng DSWD at Caloocan
Reggie Vizmanos June 17, 2024 at 08:35 PMInilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Caloocan LGU nitong Hunyo 16 ang ‘Project Binhi (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) na naglalayong isulong sa lungsod ang pagtatanim ng mga halamang pagkain kasabay ng pagbibigay ng ayudang pinansyal sa mga lalahok sa proyekto.
Ang naturang ‘food security & cash for work scheme’ ay isa sa mga proyekto ng DSWD na pantulong sa mga naapektuhan ng El Niño ang kanilang trabaho, pamumuhay at access sa masustansiyang pagkain.
Ayon kay Mayor Along Malapitan, “Layunin nito na matulungan na mabigyan ng pagkakakitaan ang ating mga kababayang higit na nangangailangan lalo na ang mga pamilyang apektado ng El Niño.
Makakatanggap po ang mga benepisyaryo ng minimum wage kapalit ng kanilang pakikibahagi sa mga proyekto tulad ng communal vegetable gardening, urban gardening at vermicomposting.
Hiling natin na makatulong ito sa mga benepisyaryo gayundin sa mga komunidad na kanilang pagtataniman at maging sa ating kalikasan.”
Sabi naman ni DSWD Spokesperson and concurrent Assistant Secretary for Disaster Response Management Group Irene Dumlao, “Project BINHI aims to promote food security and nutrition among communities by facilitating the adoption of climate-resilient and sustainable agricultural practices such as communal and urban gardening; vermicomposting; and planting of disaster-resilient crops, fruit-bearing trees and mangroves, among others. Project Binhi seeks to empower communities.”
Masaya namang nag-post sa Facebook si Tatay Bernabe, na kabilang sa mga residente
ng Caloocan na benepisyaryo ng proyekto.
Aniya, “Ito po yung project binhi na nagmula sa city of Caloocan DSWD at katuwang ang Caloocan city Parks development & administration services, 20 days work po ito.”
📷 Along Malapitan FB