Mga hindi pa nakukuhang DSWD Cash Aids sa Valenzuela ipinagpatuloy
Angelo Calixtro April 14, 2026 at 07:14 PM
VALENZUELA CITY — Isinagawa ngayong araw, Ika-14 ng Abril ang payout ng hindi pa nakukuhang cash relief assistance para sa mga miyembro ng TODA at iba pang benepisyaryo sa Valenzuela City People’s Park Amphitheater.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, maaari pa ring kunin ng mga TODA members na hindi pa nakakatanggap ng kanilang fuel subsidy ang naturang tulong pinansyal hanggang alas-5 ng hapon ngayong araw.
Layunin ng payout na matiyak na makararating sa lahat ng kwalipikadong benepisyaryo ang ayuda, lalo na sa mga driver na naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Hinimok naman ang mga kwalipikadong miyembro na agad na magtungo sa payout site at dalhin ang mga kinakailangang dokumento upang maiwasan ang abala at masigurong makuha ang kanilang benepisyo sa itinakdang oras.
📷 Valenzuela City