Caloocan City naglabas ng cash assistance advisory
Mike Manalaysay April 8, 2021 at 03:17 PM
Nakatakdang gawin bukas, April 9, 8am-5pm, ang pamamahagi ng cash assistance mula sa national government.
Narito ang Advisory mula sa lokal na pamahalaan ng Caloocan:
Ipapatupad ang by batch at schedule sa pagkuha ng ayuda para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao at maipatupad ang social distancing. Nasa chart ang schedule ng bawat barangay.
Ayon pa sa LGU, base sa guideline, ang bawat beneficiary ay makakatanggap ng P1,000 o hanggang P4,000 kada pamilya.
Pinaalalahanan din ang mga residente na bago magtungo sa venue, kailangan munang makatanggap ng text message ang beneficiary mula sa Pamahalaang Lungsod, kasama ang reference number at schedule kung kailan pwedeng makuha ang ayuda.
Naghahanda na rin daw ng karagdagang payout sites para mas maraming barangay ang mabigyan ng serbisyo.
Paalala pa ng LGU, kailangang magdala ng mga sumusunod- valid ID, cellphone kalakip ang natanggap na text message, sariling ballpen, face mask at face shield.
BASAHIN ang advisory dito: https://www.facebook.com/190264451142517/posts/1892092747626337/