| Contact Us

P136k halaga ng ‘shabu’ nasamsam sa Caloocan, livelihood training inilunsad sa komunidad, at 58 kabataan pasok sa trabaho

Reggie Vizmanos April 19, 2024 at 04:53 PM

P136,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station (CCPS) mula sa isang lalaking sinita nila dahil walang suot na pang-itaas na damit habang nasa pampublikong lugar na isang paglabag sa City Ordinance.

Sa report ng CCPS Sub-Station 4 kay Police Chief Col. Ruben Lacuesta, sinabi nila na sinita nila ang suspek sa bahagi ng Salmon Street, Barangay 8, pero biglang tumakbo palayo.

Nang nakorner at kinapkapan ng mga pulis ay nakita umano sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 20 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na Php136,000.00.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, naglunsad ang CCPS Community Affairs Section (CAS) ng livelihood training na Dishwashing Liquid Making sa komunidad ng Barangay 175, Camarin.

Pinangunahan ito ni CCPS CAS Acting Chief, PCapt. Ma. Magdalena Obrial katuwang si PSSg John Mikko Camerino, PCR Specialist PNCO.

50 residente ang dumalo sa training na ayon sa CCPS ay puwede nang makapagsimula ng maliit na negosyo sa paggawa ng dishwashing liquid dahil sa kanilang natutunan.

58 na kabataan naman ang sumailalim sa Special Program for Employment of Students (SPES) orientation na inilunsad ng Caloocan City Public Employment Service Office (PESO) at ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sila ang bumubuo ng bagong batch ng SPES beneficiaries na pumirma sa kontrata upang magtrabaho sa loob ng dalawang buwan sa KNC Group of Companies na kinapapalooban ng Jollibee, Chowking, at Greenwich restaurants.

Layon ng SPES na matulungan ang mga kabataan na magkaroon ng karagdagang kaalaman, karanasan, at katamtamang pasahod na pera na magiging panggastos nila para sa susunod na pasukan sa paaralan.

📹 Along Malapitan FB

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 19 Last