Aso, natuklasang may walong bala ng airgun sa ulo
Arkipelago News March 2, 2023 at 11:42 PMSiya si Ghost, isang masayahin at masiglang Siberian Husky. Pero may kakatwang nangyari sa kanya noong February 21. Ayon sa post ni Verna Dette, aksidente raw siyang nakawala mula sa kanilang bahay bandang alas-singko ng hapon. Hinanap daw nila agad si Ghost sa kanilang lugar at nakita nila ito sa nakakaawang kalagayan.
“After almost two hours we found him almost lifeless and severely injured. We immediately took him to San Fernando City because we’re from Bacnotan pa,” ayon kay Verna.
Kinabukasan, February 22, inilipat daw nila ang kanilang alaga sa isa pang clinic at doon ay isinailalim siya sa x-ray. Labis daw silang nagulat nang lumabas ang resulta ng kanyang x-ray.
“Akala namin pinalo lang because his head was severely injured. Upon x-ray, 8 bullets of [an] airgun were found in his head. We were shocked, who would do such a thing? This is very CRUEL and INHUMANE. We were devastated because no clinic can perform surgery around La Union or even nearby provinces, it was only in Metro Manila,” aniya.
Mula sa La Union, agad daw nilang dinala ang aso sa Maynila para ipagamot. Hirap na hirap daw huminga ang kanilang mahal na alaga.
“Naka-oxygen pa coz he could barely breathe properly, he endured the 6-hour travel time. Thankfully he was able to make it. Currently, he is confined in Vets in Practice- Taguig, still in a critical condition.”
Pero matindi raw ang nilikhang trauma kay Ghost ng mga tama ng bala. Masakit daw para sa kanila na makitang nahihirapan ang itinuring na nilang baby.
“Yesterday, during our visit, sobrang himbing ng tulog niya. We were brushing his hair at nakakatuwa siya tignan. He was in his usual self, na naka-belat pa habang tulog. Then suddenly…he had seizure. First time sa ViP, and mas matagal kesa yung seizure niya sa Elyu. They had to put him to sleep para magsubside yung seizure, kasi di kinaya ng 3 dose ng pangpakalma. According sa Vet, these seizures ay posibleng dahil pa sa trauma niya from the gunshots. Grabeng kaba, sakit at bigat sa puso na makita ang baby namin sa ganong state.”
Kaya malaki raw ang kanilang pasasalamat dahil mas mabuti na ang kalagayan ni Ghost nang sumunod nilang bisitahin.
“Thank God, sa pagvisit namin this morning, stable na ulit at nakakain naman na raw siya. As of now, continuous monitoring pa si Ghost at may medication na rin for his seizures. Depende sa magiging reassesment if kakayaning i-push yung surgery para tanggalin yung mga bullets. Every tawag or chat from the Vet is nerve-racking, at manginginig ka talaga. Please everyone, help us pray for our baby Ghost. Sana tuloy-tuloy na yung paglakas niya. Our biggy boy is so brave and strong.”
Determinado rin ang mga fur parents ni Ghost na hanapin ang mga taong responsable sa nangyari sa kanya. Kasalukuyan na raw silang nakikipag-ugnayan sa barangay at sa lokal na pamahalaan. Kung may impormasyon kayo tungkol sa mga sumalbahe kay Ghost, maaari nyo itong ipagbigay-alam kina Verna, sa lokal na pamahalaan o sa tanggapan ng pulisya.
“Please help us po to seek justice for our baby. Please help us po spread awareness to End Animal Cruelty, [and] that animal lives also matter. Prove to us, and to everyone po, that La Union is a Pet and child-friendly province. That it is a safe place for every pets out there. Some say ‘Aso LANG yan’…but big NO! For us, Ghost is OUR CHILD, one of us, our family member, kaya sobrang sakit ng nangyari sa kanya,” pagwawakas ni Verna.
Update: Naoperahan na raw si Ghost noong February 27 at natanggal na ang apat sa walong bala na nasa ulo niya. Mas maayos na raw ang kalagayan niya pero hindi pa siya ganap na magaling dahil sa mga naiwang bala. Sa ipinost na video ni Verna, makikitang nakakapaglakad na ng normal si Ghost.
Photo: Verna Dette FB