Mayor Malapitan nagpamahagi ng pagkain at vest; Mega Job Fair magaganap sa Pebrero 22
Mike Manalaysay February 21, 2024 at 06:53 PMNagtungo sa Barangay 172 si Caloocan City Mayor Dale “Along” Malapitan para magpamahagi ng mga food packs sa mga residente doon.
Pinagkalooban din ng Punong Lungsod ng vest ang mga barangay tanod sa naturang lugar.
Ayon pa sa alkalde, regular niyang isasagawa ang proyektong ito.
“Sa mga susunod na araw po ay patuloy tayong mag-iikot at maghahatid ng food packs sa mga Batang Kankaloo at personal na iaabot ang ipinagawa nating vest para sa ating mga barangay tanod.”
Samantala, isasagawa ang isang Mega Job Fair sa North Caloocan.
Ayon sa inilabas na pahayag ni Mayor Malapitan, “Mahigit 8,000 na bakanteng posisyon ang naghihintay sa inyo mga Batang Kankaloo, hatid ito ng ating Mega Job Fair na gaganapin bukas, February 22, 2024.
Para sa mga interesadong aplikante, kailangan lang magtungo sa Caloocan City – North Sports Complex mula 8:00 am hanggang 4:00 pm. Magdala rin ng updated resume at valid ID.
Magkakaroon din ng Mega Job Fair sa Caloocan City – South. Mag-antabay lang sa anunsyo ng petsa at lugar nito.