| Contact Us

Wanted sa kasong rape naaresto sa Sta. Quiteria, Caloocan

Jose Leoncio June 1, 2023 at 10:54 PM

Sa bisa ng isang warrant of arrest, nahuli ng pulisya ng Caloocan si Alfonso Ruiz Jr., ang sinasabing 9th Most Wanted Person (station level) sa Libis Baesa, Sta Quiteria, Barangay 160, Caloocan City, nitong May 31.

Ayon sa pahayag ng Caloocan City Police Station, inaresto ng mga operatiba ng IDMS-WSS at Sta Quiteria Police Substation ang 55 na taong gulang na suspek na may kasong two counts ng rape. Walang piyansa ang kasong ito.

Ipinaliwanag din ng pulisya na habang inaaresto, ipinagbigay-alam nila sa suspek ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Konstitusyon gaya ng pagpapaliwanag sa tagalog, lengguwaheng nauunawaan niya, ng dahilan kung bakit siya inaaresto. Mas pinili rin daw ng suspek na manahimik.

Photo: Caloocan City Police Station

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last