4Ps Ugnayan sa Bulacan, naghatid ng serbisyo at suporta sa mga benepisyaryo
Angelo Calixtro April 6, 2026 at 07:22 PM
BOCAUE, Bulacan — Matagumpay na naisagawa ang 4Ps Ugnayan ng DSWD-SWAD Bulacan noong Marso 27, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng suporta sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa ilalim ng 4Ps Ugnayan, nabigyan ang mga kalahok—kabilang ang mga kasalukuyang benepisyaryo at exiting households—ng access sa mahahalagang impormasyon at serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Layunin nitong gabayan ang mga pamilya tungo sa mas matatag na pamumuhay at ihanda sila sa pag-angat mula sa programa.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga organizer sa aktibong pakikilahok ng mga benepisyaryo, na anila’y mahalaga sa patuloy na tagumpay ng programa.
Sa tulong ng ganitong mga inisyatibo at sa suporta ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Jonjon Villanueva, patuloy na pinalalakas ang ugnayan ng mga ahensya at komunidad upang maisulong ang inklusibong kaunlaran sa Bulacan.
📷 Mayor Jonjon JJV Villanueva FB