PDLs sa Marilao, natapos ng Senior High School sa programang pang-edukasyon
Angelo Calixtro April 7, 2026 at 10:03 PM
MARILAO, Bulacan — Nakapagtapos ng Senior High School ang ilang Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Marilao, bilang bahagi ng patuloy na programang pang-edukasyon para sa mga nasa loob ng piitan.
Layunin ng inisyatibo na mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga PDLs sa pamamagitan ng edukasyon, na magsisilbing pundasyon para sa kanilang pagbabagong-buhay at mas maayos na kinabukasan.
Binigyang-diin ni Marilao Mayor Jem Sy na patuloy nilang isusulong ang mga programang nagbibigay pag-asa at oportunidad sa mga PDLs, bilang bahagi ng mas malawak na layunin ng rehabilitasyon at reintegrasyon sa lipunan.
Hinimok din ang mga nagsipagtapos na gamitin ang edukasyon bilang daan tungo sa bagong simula.
📷 MarileNews FB