Mandaluyong LGU nagdagdag ng 20 motorsiklo para sa mas mabilis na emergency response
Angelo Calixtro April 8, 2026 at 08:15 PM
MANDALUYONG CITY — Pinalakas ng pamahalaang lungsod ang kakayahan ng mga frontline agency matapos ipamahagi ang 20 bagong motorsiklo sa mga yunit ng serbisyo publiko sa pangunguna ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos.
Ang mga sasakyan ay inilaan para sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at iba pang tanggapan sa Mandaluyong City upang mapabuti ang kanilang mobility sa pagresponde sa mga insidente.
Isinagawa ang turnover ceremony noong ika-6 ng Abril bilang bahagi ng patuloy na inisyatiba ng lokal na pamahalaan na paigtingin ang serbisyong pangkaligtasan at agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga residente.
Inaasahang makatutulong ang karagdagang motorsiklo sa mas mabilis na pagresponde sa emergencies, mas epektibong pagpapatrolya, at mas maayos na pagbibigay-serbisyo sa komunidad.
📷 Mandaluyong City Public Information Office FB