Metro ng tubig, ipinamahagi sa Brgy. Tumana para sa mas maayos na suplay
Angelo Calixtro March 30, 2026 at 05:28 PM
MARIKINA CITY — Pormal nang inilunsad ang direktang koneksyon ng metro ng tubig sa mga residente ng Barangay Tumana bilang bahagi ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na tiyakin ang tuloy-tuloy at maayos na suplay ng tubig sa komunidad.
Pinangunahan nina Congressman Marcy Teodoro at Marikina Mayor Maan Teodoro ang pamamahagi ng individual orders of payment at ang ceremonial opening ng mga water meter para sa mga benepisyaryo, katuwang ang Manila Water.
Layunin ng programa na mabigyan ng direktang access sa malinis at sapat na tubig ang bawat kabahayan, habang pinapadali rin ang proseso ng pagbabayad at koneksyon ng serbisyo.
Bahagi ito ng mas malawak na inisyatiba ng pamahalaang lungsod para mapabuti ang serbisyo sa tubig, lalo na sa mga lugar na madalas makaranas ng kakulangan sa suplay.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na magpapatuloy ang mga proyektong nakatuon sa kapakanan ng mga taga-Tumana, kabilang ang pagpapalawak pa ng access sa pangunahing serbisyo tulad ng tubig at iba pang pangangailangan ng komunidad.
📷 Marikina PIO