Libreng pamasahe sa Maynila, patuloy na umaarangkada
Angelo Calixtro April 6, 2026 at 07:19 PM
MAYNILA — Muling umarangkada ngayong Lunes, Abril 6, ang Libreng Pamasahe program ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila bilang tugon sa patuloy na hamon sa transportasyon na kinakaharap ng mga commuter.
Sa ilalim ng programa, tumatanggap ang bawat jeepney driver ng ₱3,500 kada araw kapalit ng pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero. Layunin nitong mabawasan ang gastusin sa pamasahe ng publiko habang sinisiguro rin ang sapat na kita para sa mga tsuper.
Unang ipinatupad ang inisyatibo noong Marso 30 at 31, at muling ipinagpatuloy mula Abril 6 hanggang Abril 8 upang mas maraming residente ang makinabang.
Hinihikayat ang publiko na samantalahin ang programa bilang alternatibong transportasyon na makatutulong sa kanilang araw-araw na biyahe at gastusin.
📷 Manila Public Information Office FB