Mga estudyante sa Bocaue, sumailalim sa Hydroponics Farming Training
Angelo Calixtro March 16, 2026 at 05:52 PM
BOCAUE, Bulacan — Sumailalim sa pagsasanay sa hydroponics farming ang 23 engineering students ng Jesus Is Lord Colleges Foundation (JILCF) sa isang programang isinagawa sa kanilang campus sa Barangay Bunlo.
Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office ang naturang training bilang bahagi ng mga inisyatibong isinusulong ni Mayor Jonjon Villanueva para mapalakas ang kaalaman ng kabataan sa makabagong teknolohiya sa agrikultura.
Isinagawa ang pagsasanay sa loob ng JILCF campus kung saan ipinaliwanag sa mga kalahok ang konsepto at mga pangunahing proseso ng hydroponics farming—isang paraan ng pagtatanim na hindi gumagamit ng lupa at sa halip ay nutrient-rich water solution.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, layunin ng programa na maibahagi sa mga kabataan ang mga makabagong pamamaraan sa pagsasaka at mahikayat silang maging bahagi ng pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa bansa.
Patuloy naman ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang nagtataguyod ng sustainable agriculture upang makatulong sa pagpapatibay ng seguridad sa pagkain para sa susunod na henerasyon.
📷 Mayor Jonjon JJV Villanueva FB