Serbisyo Caravan inilapit sa Barangay San Juan sa Balagtas
Angelo Calixtro April 21, 2026 at 09:43 PM
BALAGTAS, BULACAN — Mas pinalapit sa mga residente ng Barangay San Juan ang iba’t ibang serbisyo ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng paglulunsad ng “Bagong Balagtas Serbisyo Caravan.”
Layunin ng inisyatiba na gawing mas accessible ang mga serbisyong pampubliko sa pamamagitan ng direktang pagdadala nito sa mga komunidad, upang mas maraming mamamayan ang makinabang nang hindi na kinakailangang lumayo.
Tampok sa caravan ang iba’t ibang programa at tulong mula sa pamahalaang bayan na nakatuon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga residente.
Binigyang-diin din ng lokal na pamahalaan na mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga mamamayan upang patuloy na umunlad ang Balagtas.
Inaasahan na magpapatuloy ang ganitong uri ng outreach activities sa iba pang barangay bilang bahagi ng layunin ng pamahalaan na mailapit ang serbisyo sa bawat Balagtaseño.
📷 Mayor Andrews “Andy” Santiago FB