Sustainable Livelihood Program para sa PWDs, inilunsad sa Caloocan City
Angelo Calixtro March 26, 2026 at 04:05 PM
CALOOCAN CITY — Pormal nang sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang isang Sustainable Livelihood Program para sa Persons with Disabilities (PWDs) na layong mapaunlad ang kanilang kabuhayan at kalidad ng pamumuhay.
Layunin ng inisyatibong ito na magbigay ng agarang tulong pinansyal at maglatag ng pangmatagalang oportunidad para sa mga PWDs na maging produktibo at mas maging self-sufficient sa kanilang komunidad.
Sa ilalim ng programa, binuo ang mga samahan ng PWDs mula sa iba’t ibang barangay para magsilbing organisadong grupo na makakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan. Bawat samahan ay binigyan ng panimulang kapital, gayundin ng pagsasanay at dagdag kaalaman sa wastong pamamahala at pagpapalago ng kanilang mga negosyo.
Kabilang sa mga benepisyaryo ng naturang programa ang mga PWD mula sa Barangay 171, 176-F, 180, at 114.
📷 Along Malapitan FB