Bocaue at Calumpit LGU, nagsagawa ng seremonya ng pagwasak ng mga ilegal na tambutso
Mike Lopez February 6, 2026 at 04:59 PM
Nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Bocaue ng seremonya ng pagwasak ng 247 open pipe at iligal na binagong motorcycle mufflers sa Municipal Covered Court, sa Barangay Igulot, nitong Pebrero 2.
Pinangunahan ito ni Bocaue Mayor Eduardo “Jonjon” Villanueva kasama sina PLt. Col. Gilbert Diaz, acting Chief of Police ng Bocaue, mga opisyal ng LGU, at mga miyembro ng pulisya.
Sa kasabay na araw, nagkaroon din ng Oplan Tambutso sa Bayan ng Calumpit, na pinamumunuan ni Mayor Lem Faustino, bilang malinaw na mensahe na seryoso ang kanilang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas at disiplina sa lansangan.
Layunin ng mga aktibidad na mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan ng kanilang komunidad, at paigtingin ang kampanya laban sa maiingay na tambutso na labis na nakaaapekto sa kalusugan at katahimikan.
Alinsunod sa Republic Act 8749 Clean Air Act at RA 386 Anti-Noise Pollution Act, mahigpit nang ipinapatupad ang pagbabawal sa paggamit ng open muffler at iba pang modified na tambutso na nagdudulot ng sobrang ingay at polusyon.
đź“· Mayor Jonjon Villanueva FB, Mayor Lem Faustino FB

