Dating aktor na si John Wayne Sace, inaresto sa pagpatay sa kaibigan
Anna Hernandez October 30, 2024 at 01:21 PM
Dating aktor na si John Wayne Sace, inaresto sa pagpatay sa kaibiganPASIG, Metro Manila — Dinakip ng mga tauhan ng Pasig City Police Station ang dating aktor na si John Wayne Sace matapos ang diumano’y pamamaril na ikinasawi ng kaniyang kaibigan sa Pasig City, Lunes ng gabi.
PASIG, Metro Manila — Dinakip ng mga tauhan ng Pasig City Police Station ang dating aktor na si John Wayne Sace matapos ang diumano’y pamamaril na ikinasawi ng kaniyang kaibigan sa Pasig City, Lunes ng gabi.
Nakilala ang aktor bilang miyembro ng all-male dance group na Anime sa ASAP noong 2003 at gumanap din sa telebisyon at pelikula.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig City Police, nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at biktima na nauwi sa pamamaril at pagkasawi ni “Lynell” noong Oktubre 28, 7:30 pm, sa Barangay Sagad, Pasig City.
Nagtamo ng apat na tama ng bala mula sa kalbre .45 baril ang 43-anyos na biktima.
Habang ipinapatupad ng pulisya ang hot pursuit operation, nakatanggap sila ng impormasyon na nasa isang hotel na hindi kalayuan sa pinangyarihan ng krimen ang suspek at doon ay inaresto nila si Sace. Nakuha diumano sa kanya ang .45 kalibreng baril na ginamit sa krimen.
Nahaharap siya sa mga kasong murder at illegal possession of firearm.
📷 Pasig City Police