Free Civil Registry Service, umarangkada sa San Ildefonso
Angelo Calixtro February 11, 2026 at 06:17 PM
SAN ILDEFONSO, Bulacan — Naghatid ng Free Civil Registry Service ang Office of the Municipal Civil Registrar (OMCR) ng San Ildefonso bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-36 na Civil Registration Month na may temang “Navigating the Future Together: Advancing CRVS in Shaping the Global and Regional Data Ecosystem.”
Isinagawa ang libreng serbisyo sa Barangay Basuit, kung saan nakinabang ang mga residente sa iba’t ibang civil registry services, kabilang ang mga dokumentong may kinalaman sa kapanganakan, kasal, at kamatayan.
Sa pamamagitan ng aktibidad, binigyang-diin ng OMCR ang mahalagang papel ng Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) sa pagbuo ng maayos, inklusibo, at mapagkakatiwalaang datos na nagsisilbing pundasyon sa pagpaplano ng mga programa at serbisyo ng pamahalaan.
Layunin din ng inisyatiba na mas mailapit sa mamamayan ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno at matiyak na walang maiiwan pagdating sa tamang dokumentasyon, bilang bahagi ng pagsisikap tungo sa mas maunlad at organisadong kinabukasan.
📷 Mayor Gazo Galvez FB