Libreng bunot at pustiso, handog para sa mga Malolenyo
Angelo Calixtro February 17, 2026 at 08:38 PM
MALOLOS, Bulacan — Dumagsa ang mga residente ng Malolos sa libreng bunot ng ngipin at pustiso na inihandog noong ika-15 ng Pebrero.
Sa pakikipagtulungan ng Alvarez Foundation Philippines Inc. at sa inisiyatiba ng City Health Office – Dental Division at tanggapan ni Konsehal John Vincent Vitug III, nakapagbigay ng libreng serbisyong dental sa mahigit 847 na residente ng Malolos.
Ang programang ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Oral Health Month na isinasagawa tuwing buwan ng Pebrero.
Layunin ng programa na mapanatili ang malusog at malinis na ngipin ng mamamayan, gayundin ang pagpapalaganap ng wastong kaalaman sa pangangalaga ng oral health.
Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa libreng serbisyong natanggap, na malaking tulong lalo na sa mga walang kakayahang magpa-dental check-up at magpagawa ng pustiso.
đź“· Malolos City Information Office