Iba’t ibang barangay sa QC, naglunsad ng libreng sakay sa gitna ng transport strike
Angelo Calixtro March 26, 2026 at 03:58 PM
QUEZON CITY — Ipinatupad ng iba’t ibang barangay sa Quezon City ang libreng sakay para matulungan ang mga commuter na naapektuhan ng nagaganap na transport strike.
Nagdeploy ngayong araw ng mga sasakyan para magsilbing alternatibong transportasyon para sa mga residente ng lungsod na nahihirapang pumasok sa trabaho at paaralan.
Mahigpit namang nakamonitor sa sitwasyon ang mga kawani ng Quezon City Traffic and Transport Management Department, Quezon City Police District, at Metropolitan Manila Development Authority para matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga motorista at pasahero sa mga pangunahing lansangan.
Patuloy rin ang operasyon ng QCity Bus na nagbibigay ng libreng sakay sa walong ruta nito bilang karagdagang tulong sa publiko.
Matatandaang maraming commuter ang naapektuhan ng transport strike, partikular sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na isa sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.
📷 Quezon City Government