‘Benteng Bigas’ program inilunsad sa Pasay para sa mas abot-kayang bigas
Angelo Calixtro March 24, 2026 at 06:13 PM
PASAY CITY — Pormal nang inilunsad noong Marso 23, 2026 ang programang “Benteng Bigas, Meron Na” sa Pasay City, bilang bahagi ng inisyatiba ng pamahalaan na magbigay ng mas murang mapagkukunan ng pagkain sa publiko.
Ang proyekto ay pinangunahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., katuwang ang Department of Agriculture at ang lokal na pamahalaan ng Pasay sa pamumuno ni Mayor Emi Calixto-Rubiano, kasama si Congressman Tony Calixto.
Ayon kay Mayor Calixto-Rubiano, layunin ng programa na mailapit ang dekalidad at abot-kayang bigas sa mas maraming pamilya, lalo na sa panahong kinakailangang maghigpit sa gastusin.
“Sa paglulunsad ng ‘P20 Benteng Bigas, Meron Na,’ mas pinapalapit natin ang dekalidad na bigas sa mas maraming pamilya. Simpleng layunin pero malaking tulong—masigurong may sapat at maayos na pagkain sa hapag,” ani ng alkalde sa kanyang mensahe.
Inaasahang makatutulong ang naturang proyekto sa mga mamamayan ng Pasay patuloy na hinaharap ang hamon ng tumataas na presyo ng mga bilihin.
📷 Pasay City Public Information Office FB