Cash aid ipinamahagi sa riders at drayber sa Mandaluyong sa gitna ng oil crisis
Angelo Calixtro March 27, 2026 at 06:48 PM
MANDALUYONG CITY — Namahagi ng cash relief assistance ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong City sa mga drayber at delivery riders na lubhang apektado ng tumataas na presyo ng petrolyo bunsod ng tensyon at kaguluhan sa Middle East.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na makapagbigay ng agarang tulong pinansyal sa mga apektadong manggagawa sa sektor ng transportasyon at delivery services, na direktang naaapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Dagdag pa ng pamahalaang lungsod, ang inisyatibang ito ay bahagi ng kanilang hakbang upang matulungan ang mga rider at drayber na makayanan ang araw-araw na gastusin at mapanatili ang kanilang kabuhayan sa kabila ng umiiral na krisis sa enerhiya.
📷 Mandaluyong PIO FB