ADB, isinumite ang final design ng Intramuros Forest Park sa Maynila
Angelo Calixtro March 25, 2026 at 06:58 PM
MANILA — Pormal nang isinumite ng Asian Development Bank (ADB), sa pangunguna ni Kris Moon, ang final concept design ng planong Intramuros Forest Park kay Mayor Isko Moreno Domagoso.
Ayon sa alkalde, ang 36-ektaryang proyekto ay pagpapatuloy ng kanyang matagal nang adbokasiya—ang pagpapalawak ng mga open green spaces sa lungsod para sa kapakanan ng mga Manileño, na sinimulan pa noong kanyang unang termino.
Layunin ng proyektong Intramuros Forest Park na magbigay ng mas maraming espasyo para sa kalikasan, at pahinga sa gitna ng kapaligiran ng Manila.
Samantala, inaasahang ihaharap ang pinal na konseptong disenyo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa final approval ng proyekto.
Kapag nabigyan ng pahintulot, magsasama-sama ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila, ADB, Department of Tourism, at iba pang ahensiya ng pambansang pamahalaan upang maisakatuparan ang nasabing proyekto.
Itinuturing itong isang legacy project na inaasahang pakikinabangan hindi lamang ng kasalukuyang henerasyon kundi pati ng mga susunod pa.
📷 Manila Public Information Offic