Baliwag LGU naglabas ng listahan ng mga pasyalan ngayong summer
Angelo Calixtro April 10, 2026 at 08:39 PM
BALIWAG CITY, Bulacan — Naglabas ang pamahalaang lokal ng Baliwag ng listahan ng mga pasyalan at resort na maaaring puntahan ngayong summer season, bilang bahagi ng kanilang kampanya na palakasin ang turismo sa lungsod.
Ilan sa mga ito ay:
– Hacienda Galea Resort and Events Place
– Villa by Saga
– Felix and Juliet Resort
– EJCS Private Pool
– A.C Nicolas Resort
– Casa Zapanta
Hinihikayat ng LGU ang publiko na bisitahin ang mga lokal na atraksyon ngayong panahon ng tag-init.
Layunin ng inisyatiba na palakasin ang lokal na turismo at suportahan ang mga negosyo sa lungsod, lalo na ang mga resort na inaasahang dadagsain ngayong panahon ng bakasyon.
📷 Baliwag PIO FB