Barista Training Program, inorganisa para sa mga kabataan ng Maynila
Angelo Calixtro March 11, 2026 at 01:17 PM
MAYNILA — Nagsagawa ng Barista Training Program para sa mga kabataang Manileño sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Manila Manpower Development Center (MMDC) at ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).
Layunin ng naturang programa na patuloy na palakasin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang mga skills training na inaalok ng MMDC upang mabigyan ng mas maraming oportunidad sa trabaho at kabuhayan ang mga residente ng lungsod, partikular ang kabataan.
Sa ilalim ng pagsasanay, tinuturuan ang mga kalahok ng mga pangunahing kaalaman sa paghahanda ng kape, wastong paggamit ng coffee equipment, basic latte art, at tamang paraan ng pakikitungo sa mga customer.
Ayon sa mga tagapagpatupad ng programa, inaasahan na ang mga kasanayang matututunan ng mga kalahok ay makatutulong upang makapasok sila sa trabaho sa mga café at coffee shops, o kaya naman ay magsimula ng sarili nilang maliit na negosyo.
📷 Manila Public Information Office