Milk-letting activity ng QC Human Milk Bank, matagumpay na isinagawa
Angelo Calixtro March 10, 2026 at 05:39 PM
QUEZON CITY — Matagumpay na naisagawa ang milk-letting activity ng Quezon City Human Milk Bank (QCHMB) sa Betty Go Belmonte Lying-In Clinic, kung saan nakiisa ang mga breastfeeding mothers, health workers, at district nutritionists upang suportahan ang kampanya para sa donasyon ng breastmilk.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga organizers sa mga ina at health personnel na nakiisa sa aktibidad, na layong makapagbigay ng sapat na suplay ng human milk para sa mga sanggol na nangangailangan nito.
Dumaan ang mga donor sa screening at libreng testing para sa HIV at Hepatitis B upang matiyak ang kaligtasan at kalidad ng mga gatas na ibibigay sa mga sanggol.
Patuloy namang hinihikayat ng Quezon City Human Milk Bank ang mga kwalipikadong breastfeeding mothers na makilahok sa mga susunod pang milk-letting activities sa lungsod upang makatulong sa kalusugan at nutrisyon ng mga bagong silang na sanggol.
📷 Quezon City Human Milk Bank FB