Bike racks para sa mga paaralan sa Marikina, ibinahagi ng LGU para sa ligtas na pagbibisikleta
Angelo Calixtro March 23, 2026 at 04:22 PM
MARIKINA CITY — Para maisulong ang ligtas at mas sustainable na paraan ng pagbibiyahe at masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at school personnel na nagbibisikleta, ibinahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang mga bike racks sa pangunguna ni Mayor Maan Teodoro.
Layunin ng proyekton na matiyak ang seguridad ng mga bisikleta habang hinihikayat ang paggamit nito bilang alternatibong transportasyon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang paglalagay ng bike racks ay isang konkretong hakbang upang palakasin ang kultura ng pagbibisikleta at active mobility sa lungsod, na matagal nang kinikilala bilang bike-friendly sa Metro Manila.
Inaasahan din na makatutulong ang proyektong ito sa pagluwag ng daloy ng trapiko at polusyon, habang itinataguyod ang mas malusog na pamumuhay sa hanay ng mga residente.
📷 Marikina PIO