Government Service Express, binuksan na sa SM Caloocan
Angelo Calixtro March 31, 2026 at 05:00 PM
CALOOCAN CITY — Pormal nang binuksan ang Government Service Express (GSE) sa 2nd Level, Services Lane ng SM City Caloocan upang ilapit sa publiko ang iba’t ibang serbisyong pampamahalaan sa iisang lugar.
Kabilang sa mga unang tanggapan na nag-aalok ng serbisyo ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, pati ang Pag-IBIG Fund, PhilHealth, Professional Regulation Commission, Social Security System, Philippine National Police, at Bureau of Fire Protection.
Sa pamamagitan ng GSE, maaaring iproseso ng mga residente ang mahahalagang transaksyon tulad ng business permits, loan applications, membership registration, police clearance, at iba pang dokumento nang mas mabilis at mas maginhawa.
Layunin ng nasabing inisyatibo na mapalapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan at mapabilis ang pagproseso ng mga dokumento.
📷 Along Malapitan FB