Libreng binhi at mixed soil, handog sa mga Marileño
Angelo Calixtro March 23, 2026 at 04:16 PM
MARILAO, Bulacan— Nagbibigay ng libreng binhi at mixed soil ang Municipal Agriculture Office ng Marilao bilang bahagi ng kanilang programa upang hikayatin ang urban gardening at palakasin ang seguridad sa pagkain ng mga residente.
Ayon sa tanggapan, maaaring makakuha ng naturang tulong ang mga kwalipikadong Marileño sa pamamagitan ng pagpunta sa Municipal Agriculture Office, dala ang valid ID na magpapatunay na sila ay residente ng bayan, gayundin ang larawan ng kanilang pagtataniman.
Matapos ang beripikasyon, kinakailangang kumuha ng issuance slip bago magtungo sa greenhouse para sa pamamahagi ng mga binhi. Maaari namang kunin ang mixed garden soil sa Material Recovery Facility ng bayan.
Layunin ng programa na hikayatin ang mga residente na magtanim sa kanilang mga bakuran at komunidad, kasabay ng pagsulong ng sustainable at cost-efficient na paraan ng pagkakaroon ng pagkain.
📷 Marilao Municipal Agriculture Office