Libreng sakay program, ilulunsad sa Malolos sa gitna ng oil price hike
Angelo Calixtro March 19, 2026 at 11:20 PM
MALOLOS CITY, Bulacan — Magpapatupad ng Libreng Sakay Program ang lokal na pamahalaan ng Malolos bilang pansamantalang hakbang para matulungan ang mga residente sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo.
Ayon sa anunsyo, sisimulan ang programa sa Marso 19, 2026, na may initial schedule tuwing hapon mula 4:00 pm hanggang 7:00 pm. Simula Marso 20 naman, magkakaroon na ito ng dalawang biyahe kada araw tuwing weekdays, sa umaga at hapon, para matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante at manggagawa.
Sa umaga, tatakbo ang libreng sakay mula 5:00 am hanggang 8:00 am, habang sa hapon naman ay mula 4:00 pm hanggang 7:00 pm.
Dadaan ang ruta mula Barangay Tikay, partikular sa Starbucks, patungong Barangay Longos hanggang Vista Mall Malolos.
Bukas ang libreng sakay sa lahat ng residente, lalo na sa mga estudyante at manggagawa na araw-araw umaasa sa pampublikong transportasyon.
📷 Konsehal JV Vitug FB