Linear park sa Valenzuela City, binuksan sa publiko
Angelo Calixtro February 4, 2026 at 09:42 PM
VALENZUELA CITY — Binuksan na sa publiko noong Linggo ang initial segment ng Polo Riverwalk, isang linear park na may mga walking path at cycling lane sa Valenzuela City.
Matatagpuan ang riverwalk sa gitna ng lumang town center ng Polo, isang lugar na matagal nang itinuturing na flood-prone.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang Polo Riverwalk ay binuo sa pamamagitan ng pagre-repurpose ng mga dating flood control structures, na ngayon ay nagsisilbing espasyong pampubliko para sa ehersisyo at libangan ng mga residente.
Bukas ang parke araw-araw mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi. May nakalaang ilaw sa loob ng mga oras na ito upang matiyak ang kaligtasan ng mga naglalakad, nagjo-jogging, at nagbibisikleta.
📷 Byahe ni Kuya Gil PH FB