Marilao, nakiisa sa kampanya laban sa tubercolosis sa World TB Day
Angelo Calixtro March 25, 2026 at 03:57 PM
MARILAO, BULACAN — Nakikiisa ang bayan ng Marilao sa pambansang kampanya laban sa tubercolosis sa pamamagitan ng isinagawang motorcade at kick-off bilang bahagi ng paggunita sa World TB Day noong ika-24 ng Marso sa Barangay Lambakin.
Pinangunahan ang aktibidad ng Municipal Health Office katuwang ang Pamahalaang Barangay ng Lambakin, na naglalayong palakasin ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng maagap na pagpapasuri at pag-iwas sa sakit.
Kabilang sa mga serbisyong inilapit sa komunidad ang libreng TB testing at early detection, pati na rin ang mga TB information booth at health lectures na isinagawa sa iba’t ibang health stations sa barangay.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad, patuloy na pinagtitibay ang panawagang “Yes! PILIPINAS Can End TB” bilang suporta sa layuning mapuksa ang tuberculosis at mapanatili ang kalusugan ng mamamayan.
📷 MarileNews